Thursday, July 24, 2008

Tira Juan

Global ang epekto ng pag taas ng presyo ng petrolyo. Pataas ng pataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Lalo pang lumalakas kumupit ang mga pinuno ng gobyerno ng Pinas. Di na mabigyan ng maayos ng pamumuhay ang karamihan ng pamilya sa kasalukuyang kinikita sa pangangamuhan. Ano na ang gagawin mo?

Puwede kayang mag tipon-tipon ang lahat ng nag iisip at may tunay na malasakit sa bayan upang tumuklas ng ibang epektibong kapalit ng nakagawian nang petrolyo. Gumawa at tumuklas ng bagong pag kukunan ng enerhiya na mag papatakbo ng mga sasakyan at mag papailaw ng ating kabahayan. Kaya ba ng lahi mo Juan? Sa panahon ngayon ng internet na halos libre na ang impormasyon, posible ba?

Gobyerno walang suporta, alam mo na yan, pero bata, kayo mo ba? Mga magulang, susuporta ka ba? o lilipat lang ng pangangamuhan sa ibang bansa? Gusto mo nga ba na mag-iba? umangat at umunlad ang bansa o maniniwala ka sa mga dahuhang noon pa man ay nag sasabing Pinoy ay hangang dito na lang?

Kung ang buhay ay ahedres, ano ang iyong igagalaw. Tira mo na Juan!!!