Saturday, August 25, 2007

18 Years Of Askals Gig

Sa aking sariling pananaw, ang gig na katatapos lang ilang oras ang nakalilipas (around 4:30 am) eh isang gig na ma ilalagay sa history books. 18 years of Askals and would you belive, sa 22 na naka lagay sa poster at ilang pang din na I-habol sa printing eh 18 yung na ka tugtog, and you guessed it, pang 18 tumugtog ang Askals, fate?

Maaga palang napakarami na ng tao, at nag tumugtog na ang unang banda (mga 9) eh pinuno yung Center for Arts. Ang dami na ng tao sa loob, marami pa yung asa labas. Nag enjoy ba ang mga tao? sa tingin ko Oo. Saludo ako sa Management ng venue na di naging kj at hinayaang mag enjoy ang mga tao. Yung mosh pit, palaki ng palaki habang lumalalim ang gabi, saya. Saludo din ako sa mga sumasalang sa pit, kahit anong mag yari eh walang naging pikon. Sa mga punks at iba pang andun, kudos sa inyo sa pag papakitang kaya nating mag saya at mag e-express ng sarili na walang gulo.

Imaginin ninyo na lang ang reaction ng mga nanuod ng yung old Schooler na Punk bands gaya ng NSA/P.Inas, ADA, Bad Omen, Hard K, Deceased at Philippine Violators eh hinayaang tumugtog kung hangang ilang kanta ang gusto nilang tugtugin. Yung mga kaibigan nating mga Metal eh di naman din kinulang sa tugtog ng Resurrected, Kabaong, Blood Shed, Damong Ligaw at Hampaslupa. Di din naman nag pahuli ang Bulutong Fighters, APK, Dead Brains,Death Penalty, Radical Solutions at ang Deadsperm na kahit mag-aalas 3 na tumugtog eh may mga Punks pa din na nakaabang para sumuporta.

Mga 3:30 na ata iyon ng sumalang ang Askals. Naki jam si Kino, dating Vocalist ng banda at ang highlight nag gig, eh yung pag jam ng anak nila Emer at Louie ng Lagot ka sa pulis at kapitbahay. Ang lupit, puwede nang palitang yung mga tatay. Medyo di pa nga naka-sabay yung drummer sa intro isang kanta (di ko na sasabihing ikaw yung Louie :-P )

Sa mga bandang sumuporta, salamat sa inyo; salamat sa pag hihintay ng turn ninyo at pang unawa sa mga maka-ilang palit ng arrangement ng sasalang. Sa mga taong di na ka punta, salamat na din, alam kong andun kayo in sprit.

Sa Gao production; not bad para sa first time gig organizer :-). Sa Askals, tang ina, ang lupit ninyo talaga. Your music will not remain silent…. forever…..

No comments: