Thursday, June 12, 2008

Akin ang buhay ko

Deadsperm
---------------------------------------

Verse I
Hindi ka ba nag sasawa
Sa Araw araw mong ginagawa
Gising Papasok, para kumayod
para madismaya sa konting kita

Verse II
Sa takot na magutom ang pamilya
nag papa alipin hangang mata'y tumirik na
May magagawa ka pa, Gumising ka

Chorus
Mali ba ang kinagisnan
Pinalaki para manga-muhan
Wala na bang ibang paraan
Mag titiis na lang sa kahirapan

Verse III
Mga ganid na takot maubusan
Maliliit pa ang kanilang pinag kukunan
Sa bayan nga bang kapakanan
O sa bulsa ng tao sa pamahalaan

Chorus II
Parang Mali kinagisnan
Pinalaki para manga-muhan
May ibang pang paraan
Tutulan ang kahirapan kahirapan

No comments: